Pinoy Lessons in Linguistics

topic posted Thu, November 27, 2003 - 10:09 PM by  James
1. Noong 1940's, kapag may bra ang babae,
pinagbubulungan na at mababansagang malandi.
Noon din ay may French perfume na ang tatak
ay Eclat (silent T). Kaya ang taong maarte ay
tinawag ng mga Pinoy na Eclat (pronounce the T).
Ngayon kapag maraming tsetseburetse at kaartehan
ganon din ang tawag, "Ang dami mo namang eklat."
Kinalaunan, pinaikli pa ang eklat at naging
ek-ek- "Ang tagal mo namang magdesisyon kung
sasama ka o hindi! Ang dami mong ek-ek!"

2. Elementary ako nang makagisnan ko ang batiang
"Give Me Five". Masyado yatang pormal ang
handshake kaya "Give me Five, Man" ang pumalit.
Tuwang-tuwa ang mga magulang kapag natutunan ng
kanilang anak na paslit ang mag-give me five.
Tapos sa mga American games, naging High Five o
"Give me five, up here!" Hindi pahuhuli ang
Pinoy basta galing sa America. Ang "Give me five,
up here" ay naging "Appear". Halos lahat yata ng
Pinoy babies ganito ang series of training,
"Anak, where is the light? Where is the moon?"
Ang nadagdag, "Appear! Appear!" At dahil sa E.T.
ni Speilberg, "Align, Align!" Again, Tuwang-tuwa
ang mga magulang.

3. Nang mag-Community Medicine ako noon sa isang
slum area ng Sta. Ana, Manila, ito ang top 3
gamit na hindi mawawala sa mga bahay, gaano
mang kaliit ang barung-barong:
1. Panyong may tatak na panalangin ng El Shaddai;
2. Television; 3. Karaoke.

Kakambal na ng Pinoy ang pagkanta. Noon, kapag
nagkakantahan, gamit ay gitara at song hits
(Jingle). Napalitan ito nang 70's-80's ng minus
one. Tapos, karaoke. Ngayon, videoke, at sa
huling talaan ng pagkakaalam ko, 8 na ang
namamatay sa "My Way". Naalala ko noong elementary
pa ko, nagtayo ang kuya ko at ng kanyang mga
kaibigan ng isang Combo. Ngayon, ang tawag sa
singing group ay--Band, hindi na Combo at ang
Combo ngayon ay tumutukoy sa Jollibee o
McDonald's promo.

4. Sa PGH, may tinatawag na Central Block.
Nandoon ang Radiology Department kung saan
ginagawa ang mga X-rays, Ultrasound, CT Scan at
Radiotherapy. Dito ko naobserbahan ang evolution
ng mga Pinoy medical terms. May mga pasyente o
bantay na aking nasasalubong, ang madalas
magtanong ng direksyon.

Mga Versions ng CT Scan: (Ganon na rin yon, no!)
1. "Dok, saan po ba ang Siete Scan?"
2. "Doc, saan po ba magpapa-CT Skull?"
3. "Doc, saan po ba CT Scalp?"
4. "Doc, saan po ang CT Scam?"

Madalas akong mapagtanungan ng direction papunta
sa Cobalt Room.
"Doc saan po ba ang Cobal?" Yes, laging walang T,
marami na ang ginagamit na term ay Cobal.
Saan napunta ang "T"? Marami din kasing
nagtatanong, "Doc, saan po ba ang papuntang
X-Tray?" Conclusion: Ang "T" ng Cobalt,
ay napunta sa X-Tray.

7:00 am. Nagbigay ang kasamahan kong doktor ng
instruction sa bantay ng pasyente, "Mister,
punta po kayo sa Central Block at magpa-schedule
kayo ng X-ray ng pasyente ninyo."

3:00 pm. Kadarating lang ng bantay. Nagalit na ang doktor, "Mister, bakit namang napakatagal ninyong
bumalik? Pina-schedule ko lang naman ang X-ray,
ah." Sumagot ang bantay, "Eh kasi po Doc, ang
tagal kong naghintay sa gate, hanggang sabihin
ng guwardiya na sarado daw po ang Central
Bank kasi Sabado ngayon."
(Nasa Roxas Blvd ang Bangko Sentral ng Pilipinas,
at sarado nga naman.
posted by:
James
Los Angeles

Recent topics in "noypi"

Topic Author Replies Last Post
Vocalist wanted! Desi 0 July 7, 2007
bamboo? tigger 0 May 31, 2007
GMA 7 News Shows Online James 2 February 16, 2006
laban pacquiao Frederick 0 January 24, 2006